Review: Kapitan Sino by Bob Ong

image

image

Title: Kapitan Sino
Author: Bob Ong
Publisher: Visprint
Publication Date: May 2009
Series or Standalone: Standalone
Format: Paperback, 166 pages

image

THERE IS SOMETHING STRANGE IN THE NEIGHBORHOOD.

Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isnag matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat Bahay; sumagip sa mga mag-anak na tinagay ng tubig-baha; naglanding ng maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maliligtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?

image

Matagal ko nang nabasa yung libro pero ngayon ko pa lang gagawan ng review XD

Ang kwento ay umiikot kay Rogelio Manglicmot na sa kalaunan ay nalaman niya at ng kanyang kaibigan na si Bok-bok na may kakaiba siyang kapangyarihan.

Nang matutunan na ni Rogelio na kontrolin ang kanyang kapangyarihan at napagdesisyunan niyang maging isang Hero sa pangalan na ‘Kapitan Sino’. At nang malaman ni Rogelio na isang halimaw ang anak ng mayor ay tinalo niya ito. Pero halos nawalan na siya ni lakas ng loob ng mabuhay pa nang mamatay ang kanyang kasintahang si Tessa na siyang huling biktima ng halimaw.

Hanggang sa isang araw lumaganap amg isang epidemya at lahat ng mamamayan ay despiradong makahanap ng lunas. Napag-alaman ng kinauukulan na ang dugo ni Rogelio ay maaaring maging lunas.

Nagtapos ang kwento ng may makasalubong siyang isang amang may dala dalang batang may sakit at sinaksak nito si Rogelio nang malamang ang dugo nito ay ang lunas.

OKAY. Maikli lang yung libro gaya ng ibang akda ni Bob Ong. Isa ako sa mga tagahanga ni Bob Ong, at isa to sa mga kwentong muntik nang magpaiyak sa akin. Pero medyo naboring ako sa pagbabasa kasi medyo common na yung plot. Pero gaya ng ibang akda, pinapakita dito ang buhay buhay nating mga pilipino. Inilalarawan ng libro kung papaano madaling makalimot ang mga pilipino sa mga nagawa ng mga bayani sa ating bansa. Na sa kabila ng ginawa nilang mga kabutihan sa ating bayan, hindi nabibigyan ng halaga.

Yun lang.

image

image

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s